PEBRERO: BUWAN NG MGA PUSO


Eto na naman ang araw ng mga puso. Madami na naman ang natutuwa. Excited sila na makatanggap ng mga regalo, flowers, chocolate galing sa kanilang mga manliligaw o boyfriend or girlfriend (kung merong gumagawa nito).
Ako? Wala. Masayang maging single eh. Pwede kang gumala kung saan-saan. Pwede kang maging happy sa dami ng activities na pwedeng gawin. Na-eenjoy  ko yung alone time ko na hindi ko nagagawa noong mayroon pa akong boyfriend.
Syempre hindi mo maalis paminsan-minsan naiinggit ako sa mga nakikita ko paligid ko. Merong sweet na sweet. May nakaakbay. Meron napagsasabihan ng mga mga problema at achievements. May karamay kumbaga sa lahat ng pagkakataon. Ganun. Pero ok lang. Darating din ang panahon na darating sya. At kapag dumating sya, sya na talaga. :-)
Yun na lang ang iniisip ko. Maaari naman akong mag-antay para sa kanya. TRUE LOVE WAITS. Maaari namang habang wala pa siya ay magpakayos ako sa aking buhay. FIXING A BROKEN HEART. Kesa naman maging padalos-dalos ako at mahanap ko nga siya, ang tamang tao, sa maling pagkakataon na magreresulta ng mali. THERE IS A TIME FOR EVERYTHING. Hindi man sa ngayon ang tamang pagkakataon, malay mo bukas na iyon! :-)